Kanina sa pagbiyahe ko..
Sa LRT ako nasasakay araw-araw. Minsan sa sobrang antok pa sa umaga di ko maiwasang di masilaw sa araw. Pero pag no choice na ako sa pwesto ko sa LRT dahil sa siksikan di katagalan nasasanay na mga mata ko (tulad na lang kanina). Parang akong binati ni haring araw sa pagkakasikat nya. Nakakatuwa nga kasi di ako makaisip ng motivation kanina, parang sa pagkakasikat ng araw naisip ko na new day at may bago pa’ko ulit na matutunan. Pagkadating ko sa office(whew! kala ko late ako, tingin ako agad sa orasan sa office e! hehe). Tapos diretso sa lamesa ko. Ni-check ang mga files na gagawin at dapat reviewhin. Mga isang oras makalipas. Dumating na si boss ayun na ang totoong gawain. Print dito. Record. Print. Record. Check sa hard copy at soft copy. Encode. Encode. Encode. Minsan di ko maiwasang mataranta! Lalo na pag si Boss na nag-uutos sa’kin! Natural nga siguro yun para sa isang baguhan. Nung unang araw ko halos maluha -luha ako sa pagkababad sa computer. Nitong week nasanay na ata. Hehehe. Gang sa naglunch time na di ko pa napansin. Tinawag na’ko nung kasamahan ko. Tapos e kwentuhan ng konti.. Natural ako ang naging kantsawan kasi di pa’ko masyado umiimik kasi naman bago pa lang nga ako. Ehehe! Saka na pag magaling na’ko sa trabaho ko. Nyahaha!! Natapos na ang break at tinuloy ang ginagawa. Maya-maya napatigil ako at nasabi ko sa katabi ko ” lumilindol”, “oo nga noh”, yan naman naging sagot nya. Matagal din ang paglindol na yun. At sa panahon ngayon nakakatakot na ang pagkakaroon ng lindol at iba bang kalamidad. Matapos lumindol balik trabaho ulit. 5pm na sa wakas! hehe. Pagod na din kasi ako. Pagkalabas ng office kasabay ng iba pang kasamahan. Kanya-kanyang kantsawan. Nang maghiwa-hiwalay na kami sakto nag-ear phone ako at nakikinig ng music para di antukin sa biyahe. Ang galing ng mga kanta! Nyahaha Emo na naman! moment sa bus! hehe. Pinangunahan ng kantang Somebody ng Depeche Mode. Nakakamiss naman un! hehehe May ganun! Napapangiti pa nga ako habang tumutugtog yun. Tapos sinundan pa ng linyang “there was something special in the air” ng kantang Reality. Talaga namang kakaiba ang araw na ito. Halo-halo nga kumbaga sa pagkain. Ang dami laman ng araw na ito. Pero masarap naman lasapin. Nakakalungkot isipin kung mag-isa ka lang na kumakain nito pero madadala ka na rin ng mga pangyayari. Sinundan pa ng isang linya “waiting for your call” ng kantang Your Call ng Secondhand Serenade. Tapos eto pa, “Then maybe its true, That I can’t live without you, Maybe two is better than one” ng Boys like Girls. At ng Makarating ako sa LRT na sinasakyan ko din pauwi, nakita ko na naman si haring araw nagpapaalam at nagpapaalala na may bukas pa. Ang ganda talaga ng araw kanina. Kumpleto na ang moment! hehe. Pinanuod ko ito habang tumatakbo ang tren. Hanggang sa di ko na ito makita. Nangingiti na naman ako. Nakakatuwa lang kasi na binigyan pa ako ni God ng pagkakataon na makita ko ang magandang paglubog ni haring araw. At binigyan nya pa ako ng pagkakataon na makipaglaban at sumabay sa buhay. Ayun lang. 🙂