Jhunice

Marso 24, 2014

You’re my #22

Filed under: buhay,Love,naaalala ko pa,puso — Junice Lopez @ 6:36

Noong hayskul ako lagi kong ginagamit ang a.k.a. ko na jhuniel #22.

Tinanong ako ang kaibigan ko, “ano yung number 22? birthdate mu?

Sagot ko, “Hindi, gusto ko lang.

Sabe nya, “adik”.

Sa totoo lang naging paborito ko lang yung numerong yun dahil sa fan ako ni Howie D. ng  backstreet boys na ipinanganak ng August 22. Simula noon ay naging paborito ko na ang numerong yon. Bukod pa dito, talagang nagustuhan ko na rin ito dahil sa may mga pagkakataon na may nangyayari sa akin na maganda sa petsa na yun. Ewan ko ba. Basta nagustuhan ko na yun.

Isang araw, magkasama kami ng aking kasintahan, napatingin ako sa kanya may kakaibang emosyon akong naramdaman at dun ko nalaman ang sagot kung bakit naging espesyal sakin ang numerong 22. Ito ay dahil iyon ang petsa ng kapanganakan ng aking mahal. Tila parang naging sign? Ano ba ito destiny? Meant to be?

Masaya ako na makilala ang isang tulad nya. Sobrang napakahalaga nya sa akin at lage ko ipagpapasalamat na nagkakilala kami. He’s my number 22. 😀

Hulyo 31, 2011

Pasulong…

Filed under: paglalakbay,Pasulong — Junice Lopez @ 6:36

“Try and try until you succeed”

Ito ang pinanghahawakan ko ngayon. Ito ang choice na pinili ko sumulong, magpatuloy. Nahihirapan man paminsan minsan inaamin kong may natutunan naman. Di lang sa pangkaisipan pati na rin sa pagpapalawak ng aking personalidad. Paano ko ba dadalhin ang pressure? Paano ko ba mapapatunayan ang sarili ko? Para dito ba talaga ako? Ilan lang yan sa mga tanong na dala-dala ko. Pero sino bang makakasagot nito. Ako. Ako lang din. Kasi ito ang aking pinili ang manatili. Sa bawat araw sabi ko sa sarili, kailangan ko lang ng lakas ng loob para harapin lahat ito. Minsan di ko mapigilang maging emosyonal, pero ganito lang ako. Di ako susuko hanggat kaya ko. Susulong ako.

Pebrero 27, 2011

Sunday

Filed under: God,makinig ka,naaalala ko pa,panaginip — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , ,

Friday.

GM agad. Thank God it’s Friday! 🙂

Sunday Morning. Stressed na sa pwedeng mangyari sa Monday. Di ko alam kung paano magiging ang dating ng mga sasabihin ko sa boss ko kapag sinabi ko ang mga concern ko. Medyo nakakastress isipin lalo na sa dami ng iniisip nila, minsan ikaw ang napapagalitan kahit na hindi naman ikaw o wala naman dapat ikagalit. Kagabi grabe dala siguro ng pag-iisip, napanaginipan ko pa ang aking boss. Dissapointed! aw! Lalo lang nakakastress.. Pagkagising ko, naligo, nagbihis at diretso sa simbahan. Lutang pa din ang isip ko gang sa simbahan. Nung sinabi ni Father Joseph na ipagpasa- Diyos ang problema, aba! para akong tinamaan at nagising gising ako dun! Ayun lang ang tangi kong natandaan sa mga sinabi nya. Naisip ko tuloy dati kapag nagkakaproblema ako, umaakyat ako sa taas namin at pinakikiramdaman ang ihip ng hangin at tinitignan ang pagsayaw ng puno na niyog. Nasasambit ko na lang, hayy salamat. Kahit papaano sa Kanya nararamdaman ko na payapa ang isip ko at nagkaroon ako ng pagkakataon na ipahinga ang aking isip. Salamat sa pagpapaalala Father.

🙂

Enero 28, 2011

Isang Linggong Bangayan

Filed under: buhay — Junice Lopez @ 6:36
Tags:

Biyernes.

Nkatanggap ng liham ang boss ko. Laman nito a isang problema na sa akin pinareresolba.

 

Sabado.

Nag-OT ako para maumpisahan ko na ang pagreresolba. Encode. Encode. Encode.Encode. Encode. Encode. Encode. Encode. At marami pang encode. Natapos ko na ang isang buwan. at may dalawang buwan pa. Inuwi ko ang trabaho.

 

Linggo.

Pagkatapos magsimba. natulog muna ako. Naramdaman ko kais yung pagod. Pagkagising Inumpisahan ko na ang pangalawang buwan. Pati na rin ang pangatlo yun nga lang di ko pa natapos.

 

Lunes.

Pagkadating ko sa opis. Tinuloy ko ang pag-eencode hanggang sa nakita na ako ng boss ko. tanong nya, natapos mo? Di pa po isang buwan na lang po, sagot ko. Maya-maya pa. Bigla nag-init ang ulo. ang dami ng tinanong sakin. Gang anong oras ba kayo dito bat di nyo natapos yan? Dapat ngayon yan isa-submit e. Ala! ang alam ko binigyan kami ng limang araw na palugit. pang-unang araw pa lang. at malapit na naman matapos. Natural di ako makasagot. Sino ba naman ako.

 

Martes.

Nagawa mo ba yung 4th qtr? tanong nya. Di pa po, sagot ko. I-prepare mo na din yun. Ang alam ko lang kasi hinahabol lang namin e yung 1st qtr. Ginawa ko na.. Encode ulit. Diko natapos. Pinilit ko na tapusin pero sobrang dami lang talaga.

 

Miyerkules.

Para ng may batong nakapatong sa ulo ko. Matatapos mo ba yan? tanong nya. Opo kaya po matapos ngayon, sabi ko. Ansakit na sa ulo nito. Dami ko na pending.

 

Huwebes.

Nagawa ko iba ko pa dapat gawin. Naupdate ko na yung ibang dapat ma-update. Konti na lang sabi ko malilinis ko na din ang mesa ko.

 

Biyernes.

Ansakit na talaga ng ulo ko. Pagpasok ko walang boss. Pero sa dami ng gawain parang nandun pa din sila. Pero mas maganda kasi wala pinapasingit na gawain.

Bukas ay Sabado, inuwi ko na ang ibang gawain para matapos ko na. At konti na lang ang gagawin ko sa Lunes. Hayyy.. whatta week! ganito pala pag unang buwan andami gawain! Windang!

Nobyembre 27, 2010

Di Ka Nag-iisa

Filed under: Pasulong — Junice Lopez @ 6:36
Tags:

Minsan kahit na siksik na ang negatibong pangyayari sa’yo at di mo na alam ano pa ang dapat gawin. Meron pa rin talagang mga bagay ikakapagpasalamt natin. Mapapangiti ka nalang at magpapasalamat sa Kanya. Kaya ikaw magpakatatag ka! Di ka nag-iisa. Patuloy tayong susulong! Umulan man sisikat at sisikat pa din ang araw. Mararamdaman mo pa din ang init ng mga nakapaligid sa’yo at di mo na kailangang manlalamig sa tuwing nakakaramdam ka ng lungkot dahil may dadamay sa’yo. Sabi nga sa isang komersyal, ibuhos mo lang. Nandito lang ako kaibigan. Kaya wag mong sabihin na kabilang ka sa “samahan ng malalamig ang pasko”!

Oktubre 7, 2010

TsoOot! tsoOot!

Filed under: biyahe,buhay,Pasulong — Junice Lopez @ 6:36
Tags:

“Life is like a rail of train”

Isang araw, maaga akong nakasakay ng LRT, sa bandang harapan ako ng train nasakay. Kung saan nakita ko ang riles na dinadaanan ng tren na aking sinakyan. Natuwa ako ng makita ko ito. Pasulong. Puro pasulong ang takbo nito. Sa sobrang tuwa ko. sinubukan ko tignan ang aking likod sa pagaakala na makikita ang dinaanan namin, ngunit ang nakita ko na lang e yung mga taong kasama ko sa tren na yun pati na rin yung sa kadugtong na nito. Naisip ko, minsan di mo naman kailangan lumingon kundi  patuloy na sumulong. at yung mga tao na kasama mo at parte talaga ng buhay mo andyan lang sila dahil pinili nila na makasama ka.

Pasulong ako!

Setyembre 19, 2010

Martes ng Gabi..

Filed under: Pasulong — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , ,

“There’s a rainbow always after the rain”

–Minsan sa sobrang pagkalugmok mo nandyan yung mararamdaman mong nag-iisa ka at wala ng matatakbuhan.

Isang gabi umuwi ako, ang bigat ng pakiramdam ko, halo-halo na pressure at pagkalungkot. Kaliwa’t kanan ang tirada sa akin. Umakyat ako ng kwarto at dun ko inilabas lahat ng lungkot na nararamdaman ko. Walang tigil ang pagpatak ng luha ko. Sa tagal ko sigurong di naiyak, ayun parang ayaw na nitong huminto. Basang-basa na ang unan ko. Ilang sandali pa’y nararamdaman ko na kahit pano gumagaan na ang aking pakiramdam. Para bang inuubos nito ang kalungkutan sa aking katawan. Narinig ko ang tunog ng pinto, dumating na si mama, nakita ko tinitignan nya ako na para bang ineeksamin ang mukha ko. Tanong nya, “umiyak ka ba?”, sabi ko naman, “hindi nakatulog lang ako kanina pagdating ko”. Sabay yaya n’ya sa akin para kumain. (di pa din kasi ako kumakain non). Oras na para matulog. Kinabukasan. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Ang ganda ganda ng salubong ng araw sa akin. Wala naman masyadong nangyari ng sumunod na araw pero masasabi ko na ok na ako..

Ganun siguro talaga yun. Yun siguro talaga purpose ng pagluha ko. Kaya N’ya siguro ginawa ang luha. Para pagkatapos nito mahaharap mo ulit ang bukas.

Setyembre 13, 2010

In the Middle of Nowhere

Filed under: buhay,down,God,magulo,palaboy,saan na? — Junice Lopez @ 6:36
Tags: ,

Minsan sa dami ng iniisip, sa dami ng pangyayari, marami kang mapapatunayan sa buhay. Tulad ng di ka naman talaga nag-iisa, malalaman mo kung san ka mapapalagay, at kung sino naman talaga ang mga taong para sa’yo o talagang kasama sa buhay mo.

Ako, ngayon, di ko talaga alam kung san ako. Tila si palaboy na lang ang takbuhan ko. Bakit ganoon bigla akong nawala at di ko alam kung saan muling magsisimula? Sabi ko pa noon, dati pag ganito ang nararamdaman ko, Sya lang ang tatakbuhan ko at magiging ok na ako. Ngunit dahil na rin siguro sa dami ng pagkukulang ko sa Kanya, nahihiya na ako. Gusto ko na maibalik ang dating ako.

Di ko na mapigilan ang panahon.
Patuloy ako nitong binabago.
Sana sa mabuti ito patungo.

Hulyo 10, 2010

Nobody but you..

Filed under: buhay — Junice Lopez @ 6:36
Tags:

Nobody can really fill out the remaining spaces in yourself, but you.

ano daw? hehe ewan! Wala na naman magawa. at nagbalik WP.. Sabi nga makikita mo ang tunay na kaligayahan sa sarili mo din. It’s a matter of choosing what you really want to be. Di naman masama kung nagiging pessimist ka minsan sa buhay mo basta alam mo kung pano mo iha-handle ang mga bagay bagay.

Ako aaminin  ko nitong mga nakaraang araw napaka-weak ko.. Dami pumapasok sa isip, confused na nga minsan. Pero di ko hinayaang kainin ako ng worries ko.. I chose to put all my worries aside, and focus on what’s right. 🙂

Hunyo 5, 2010

Ang Makata

Filed under: makinig ka — Junice Lopez @ 6:36
Tags:

“Buhay nya’y unti ng nasisira,
dahil sa pag-asa nya sa wala.
Katinuan nya’y unti ng gumala.
Damdamin na nagpupumilit kumawala.
San nga ba papunta?
Sabi nila’y mga pangyayari’y nakalahathala.
Para san pa ang mga salita,
kung di’ naman ito nilalagyan ng gawa.
Para san pa ang pagiging makata,
kung kahulugan nito’y di’ na napupuna.”

Bagong Pahina »