Jhunice

Oktubre 27, 2009

tuldok tuldok…

Filed under: Love,magulo,makinig ka,puso,Thoughts — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , , , , ,

…di ko na alam ang sasabihin
Ni sarili di ko na magawang isipin
Gusto ko lang ang mga magulong bagay ay mapag-usapan natin.

Dahil di ko na mahugot ang mga salita.
Dahil di ko na din naman kasi alam kung ano na ang balita.
. (tuldok) . (tuldok)
hanggang dito na lang ang tinta.
O tinta san na nga ba tayo napunta.

Palaboy-laboy na naman si Palaboy!
Puso nya’y di na alam ang tinutukoy
Kaya naman wala ng nagawa kundi magkuyakoy.

hindi ko na madugtungan
siguro hanggang dito na lang.

Setyembre 26, 2009

halo-halo

Filed under: ano ka?,buhay,down,jeep,makinig ka,saan na?,Thoughts — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , ,

Nalulungkot lang ako para sa sarili ko.
Di naman ako magsasabi o makikipagtalo kung sa bandang huli ako din ang talo.
Ngayon nakita ko ang sarili nasa jeep bumabyahe mag-isa. Nagtataka bakit ako ang nag-iisang pasahero.
Ngitian ang mga bagay na wala naman akong magagawa pa. (etoh ang hobby ko)

Di ko inaasahan na ang bawat taong nakakasama ko ay maiintindihan ako.

Minsan gusto ko ng iwan ang ofis, kasama ang mga kakabit nito.

Ayoko ng mag-isip ng mga bagay na nakakapagod isipin.
Di kasi magkamayaw ang mga salita.
Nagkakabuhul-buhol na nga.

Isang takot na babae nagtimpla ng matapang na kape.

You cannot push it if it is to  pull

You cannot drop it if there’s no gravity

Setyembre 7, 2009

Palaboy

Iyan si palaboy di alam kung san ang kabibilangan. Di nya lam kung san pupunta. Di na lam kung ano ang iisipin.

etoh si palaboy…

Pakalat-kalat sa tabi
[di alam san pupunta]
Minsan nakikisali
Di kilala ang sarili
Di alam ang usapin
Kaya naman mga salita’y nakabinbin
Di alam kung s’ya ay tatanggapin
Isang bagay na dapat di n’ya isipin.

San nga ba ang kabibilangan ni palaboy.

Hulyo 25, 2009

Magulo..

Marupok na ang lubid
makapal man ito ngunit di na din kinaya.

Basag na ang timba.

Bingi na sa katahimikan.

Masayang nagpaalam.

Nakangiti ng lumuha.

Ubos na ang papel na sulatan.

Di na nakapagpaalam.

Nawawalan na ng tinta.

Mahirap umasa.

Mali pala.

Nakakabulag kasi.

Kaibigan ko salamat.
Di mapapantayan ang oras na tayo’y nagkasama.

Sabe nga sa kanta “these days aren’t easy anymore..”

Nag-uumapaw na sa isip.

Tulala.

Lahat ito’y nangyayari na at di na mapipigilan pa.

Sana wag kang bumitaw kaibigan.

Pagod na sa kalalakad, Gusto namang maupo.

Uhaw na uhaw.
Kahit ilang baso na ang aking inuming tubig di pa rin maibsan ang aking uhaw–dehydration

Sa mga labing nakangiti may mga luhang di maikubli.

Hulyo 22, 2009

Bolpen ulet…

Itong aking bolpen na ako’y ingat na ingat. Minsan na nga lang kung gamitin ko ito. Ayoko kasing maubos ang tinta. Ngunit baka matuyo ang tinta at ang saysay nito’y mawala.

…parang isang alaala na ayokong mawala o maputol man ang kaugnayan.

Hulyo 14, 2009

Undying Love of God

Filed under: buhay,God,Love,Thoughts — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , , , ,

When I can hardly breathe,
He gave me air of Love
When it’s hot,
He gave me Wind
When I’m floating with worries
He let me feel the ground beneath my feet
When the people around me are pulling me down,
He let me see the world
When my world becomes empty
He gives me Friends
Thank you Lord for the undying love
Couldn’t ask for more

-one morning habang nakasakay sa jeep ng bigla kong naisip ang mga linyang ito na naging isa din sa motivation ko nung araw na yon. Thank God! :-D

Hulyo 11, 2009

Bolpen

Filed under: buhay,God,Love,mundo,Pasulong,Thoughts — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , ,

Napansin ko ang ganda ng sulat ng bolpen na gamit ko, ngunit di kalaunan natuklasan ko din ang di magandang parte nito. kapag ito’y dbolpenahan-dahan, puno ng pag-iingat at pinag-iisipan ng mabuti ang sulat nito’y maganda’t maayos. Ngunit kung bara-bara at di iisipin ang maaring maging kalalabasan pinapahiwatig ng mga sulat na ito ang mga posibleng mangyari di kanais-nais sa bolpen na ito.

- Lahat ng bagay may sad part at minsan kailangan na tayong masanay rito. Ngunit di din nangangahulugan na dapat na tayong tumigil dito, hayaan nating na makita pa natin ang mga magagandang parte at leksyon na matututunan natin.

Hulyo 7, 2009

Na-experience mo na ba?

Nakarating ka na ba ng Makati?

Ako? Oo. Pero di naman ako mapapadpad sa lugar na iyon kung di dahil na rin sa trabaho ko. hatid rito dala roon, submit dito, submit doon.

DSC01148

kuha mula sa service namin

Nakatulong din ang trabaho ko, para maexplore ko ang mga lugar na di ko pa napuntahan, tulad nga ng Makati. At isa ito sa mga naeenjoy kong bagay bout sa job ko.

Oopz.. di ako sa Makati nagwowork ah..hehehe

Tuwa ako nung makarating ako dito. Kasi naman napaka-organize.(yun nga lang sa sobrang organize, dito ang sakayan at dun ang babaan) Naalala ko pa nga nagpapaalala palageh ang drayber, “o walang bababa dito ah, walang bababa”. hihi napapangiti lang ako. Sabay tingin sa haba ng aking lalakarin pabalik. Kaya nga minsan pag wala naman deadline sa mga hawak kong papel. Iniisip ko na lang na napakaganda talaga ng Makati at napakasarap na pasyalan nito.

Ikaw san mo gustong pumunta? hehe..

Hunyo 25, 2009

Single?

Minsan naiisip ko nakakamiss na talaga magkaron ng isang karelasyon, “bf”. Pero naiisip ko din na handa na kaya ako na umibig ulet? Kaya ko pa kaya isingit iyon sa sched ko?

Kanina sa jeep habang nagmumusic naisip ko siguro di pa talaga oras para magkaron ako ng ganun. Siguro di pa nga.. (hehe nainip?)

Naiisip siguro nya kaya ko pa naman mag-isa.. At alam ko naman na di ako nag-iisa. Kanina nga parang nag-uumapaw ang aking damdamin. Di ko naramdaman ang pangungulila..

Di naman talaga ako nag-iisa.. kasama ko si Bro sa paglalakbay ko.. ;-)

Sa kabila ng mga pangungulila di hinayaan ni Bro na magsara ang pinto ng aking puso, pinapanatili nya itong sariwa sa lamig man o init.

Ayun! :-D

Abril 25, 2009

The 11th Hour

Filed under: mundo,Thoughts — Junice Lopez @ 6:36
Tags:

Let’s save the Earth..

- Huwag sana nating hayaan na maging sanhi tayo ng pagkawala o pagkaubos ng mga hayop, pati na din ang ating kalikasan, at higit sa lahat ng kapwa natin. Huwag sana tayong maging pabaya. Maging responsable tayo sa bawat ikinikilos natin. Kumilos na tayo ngayon. kahit mga simpleng bagay na magagawa natin ay gawin na natin para maisalba ang ating mundong ginagalawan sa lumalalang global warming. Nakakatakot man isipin na magiging ligtas pa kaya ang mga bata ngayon sa future? Paano na ang mga bagong panganak palang?Tayo lang din ang makakapagligtas sa ating mga sarili.

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.