Jhunice

Agosto 14, 2009

Ano ang Laman? –tagged by shea.

Filed under: ano ang laman?,bag,paglalakbay,tagged! — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , , ,

Dahil sa ni-tag ako ni Shea at di ko naman sya matatanggihan etoh na at ilalabas ko na ang mga kalat laman ng bag ko…hehe…

DSC01274

ayan..

payong – dati gamit ko lang sya pag umuulan pero dahil sa trabaho ko natutunan ko din sya gamitin pag sobra sikat ng araw.. hehe..

notebook – gamit ko yan sa para take note pag sa ofis ako. tapos minsan pag wala ako magawa ano-ano sinusulat ko dyan.. hehe.. tulad nung dalawang post ko na Bolpen ulet at yung Magulo, ayun dyan ko yun nasulat.. hehe. lagi ko yan dala.

scotch tape – kinuha ko sa dispenser namin diko na naibalik.. hehe..

pony tail – panali ng buhok.. nyahaha ano pa ba?

vitress – ayan para din sa buhok ko.. andami ko kasing tutsang kaya naglalagay ako nyan.. hehe..

pamaypay – di yan pwede mawala sa bag ko dahil pawisin akong tao.

pencil case – ayan, laman nyan pencil(syempre dapat meron nyan, pencil case nga eh. hehe), bolpen, stapler, highlighter, glue and  staple wire. (minsan di ko to dala) hehe

coin purse – yung pink nasa taas ng notebook. Minsan di lang coins laman nyan. Minsan dyan ko na rin nalalagay yung tigbebente. hehe.. Ang hirap kasing dumukot pa sa pitaka..(lalo na pag wala ng dudukutin! hahaha)

wallet – sa taas ng pink na coin purse. Di talaga akn yang wallet na yan. pinagamit lang sakin ni mama kasi nakita nya dami ko calling cards( calling card ng client) tapos ayaw nya pang dinadala ko yung talagang wallet ko.. ayun. puro cards ang laman! hehe

sanitary napkin – yaykz! yung nasa taas ng wallet. Naglalagay ako nyan sa bag pag malapit na ako magkameron! gets? pero ngayon tapos na.. hehe diko lang sya natanggal sa bag ko.

medicine – ayun oh katabi ng napkin kita naman kung pamilyar ka sa itsura ng plastik ng mercury drug. Laman nyan paracetamol( biogesic) para sa biglaang sakit ng ulo at pagkakasakit. Cefalexin nakalimutan ko na kung para san toh( sa sipon at ubo ata).  Dati may neozep dyan naubos ko na ata.. hehe

jacket - dadala ako nyan kasi yung pwesto ko sa ofis natatamaan ng hangin ng aircon kaya ayun kailangan ko nyan.

pouch - yung gray sa taas ng pencil case. Laman nyan tissue, USB, mp3 at yung charger ng cp ko.

kikay kit - yung itim. konti lang laman nyan, salamin, brush with mirror( minsan diko na nagagamit yung salamin lang dahil dito), pabango, powder( kailangan ko nyan oily ang fez), lip balm(nagdadry kasi ang lips ko kaya need ko din nyan), toothbrush and toothpaste.

baunan – di ko naisama picturean. Ayan nagbabaon ako para tipid.. hehe minsan ko lang yun di dala pag alam kong aabutan ako ng lunch sa field(outside the office).

cp – yung cp ko ang pinangkuha ko ng mga yan kaya di nyo sya nakita. hehe

bolpen at correction tape - ayun sa bandang gitna. Yan lang dala ko pag tinatamad akong dalhin buong pencil case ko. hehe

tsinelas - ayun yun nakabalot sa plastik ng national bookstore. hehe.. Dala ko din yan palage dahil na rin sa trabaho ko ngayon lakad dito lakad doon madalas akong masiraan ng sapatos.. Kaya naman to the rescue ang tsinelas ko! hehe.. Dami ng sapatos ang sumuko sakin si tsinelas lang ang di pa ako iniwan. hehe!

ayun! ayan ang laman ng aking bag! Kasama ko yan sa aking paglalakbay.  Salamat sa pag-tag ni Shea! Kung di mo ako ni-tag wala pa siguro akong bagong post. hehehe.. salamat ulet! mwah!!

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.