Jhunice

Setyembre 13, 2010

In the Middle of Nowhere

Filed under: buhay,down,God,magulo,palaboy,saan na? — Junice Lopez @ 6:36
Tags: ,

Minsan sa dami ng iniisip, sa dami ng pangyayari, marami kang mapapatunayan sa buhay. Tulad ng di ka naman talaga nag-iisa, malalaman mo kung san ka mapapalagay, at kung sino naman talaga ang mga taong para sa’yo o talagang kasama sa buhay mo.

Ako, ngayon, di ko talaga alam kung san ako. Tila si palaboy na lang ang takbuhan ko. Bakit ganoon bigla akong nawala at di ko alam kung saan muling magsisimula? Sabi ko pa noon, dati pag ganito ang nararamdaman ko, Sya lang ang tatakbuhan ko at magiging ok na ako. Ngunit dahil na rin siguro sa dami ng pagkukulang ko sa Kanya, nahihiya na ako. Gusto ko na maibalik ang dating ako.

Di ko na mapigilan ang panahon.
Patuloy ako nitong binabago.
Sana sa mabuti ito patungo.

Nobyembre 14, 2009

pahinto hinto

Filed under: buhay,magulo,makinig ka,saan na? — Junice Lopez @ 6:36
Tags: ,

gusto ko ng masasandalan
di na kasi alam kung saan ang daan
nakalimutan ng parahan
lumampas na tuloy sa bababaan
di na kinaya ng isipan
ang byahe’y muntik ng makatulugan
isang bagay naman na di ko nakagawian.

bawat pagkilos ko’y may kasunod na paghinto
kasabay ng isipan kong magulo

–aw emo lang

Setyembre 26, 2009

halo-halo

Filed under: ano ka?,buhay,down,jeep,makinig ka,saan na?,Thoughts — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , ,

Nalulungkot lang ako para sa sarili ko.
Di naman ako magsasabi o makikipagtalo kung sa bandang huli ako din ang talo.
Ngayon nakita ko ang sarili nasa jeep bumabyahe mag-isa. Nagtataka bakit ako ang nag-iisang pasahero.
Ngitian ang mga bagay na wala naman akong magagawa pa. (etoh ang hobby ko)

Di ko inaasahan na ang bawat taong nakakasama ko ay maiintindihan ako.

Minsan gusto ko ng iwan ang ofis, kasama ang mga kakabit nito.

Ayoko ng mag-isip ng mga bagay na nakakapagod isipin.
Di kasi magkamayaw ang mga salita.
Nagkakabuhul-buhol na nga.

Isang takot na babae nagtimpla ng matapang na kape.

You cannot push it if it is to  pull

You cannot drop it if there’s no gravity

Setyembre 7, 2009

Palaboy

Iyan si palaboy di alam kung san ang kabibilangan. Di nya lam kung san pupunta. Di na lam kung ano ang iisipin.

etoh si palaboy…

Pakalat-kalat sa tabi
[di alam san pupunta]
Minsan nakikisali
Di kilala ang sarili
Di alam ang usapin
Kaya naman mga salita’y nakabinbin
Di alam kung s’ya ay tatanggapin
Isang bagay na dapat di n’ya isipin.

San nga ba ang kabibilangan ni palaboy.

Agosto 31, 2009

today..

Filed under: down,kanta,magulo,saan na? — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , ,

i feel so down today..
i need some hug..
i need some smile..
,,

then i’ll be okay^^,

Agosto 30, 2009

saan na papunta?

Filed under: ano ka?,buhay,magulo,saan na? — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , , , ,

Bumaba na ang kulay ng aking buhok,
kasabay din kaya nito ang paggising ko?
Nalulong na kasi ako.
Parang isang droga na di ko na mapigilang gamitin.
May nagsasambit wag ko na to isipin.
Ngunit paano naman ang aking damdamin?
Masaya ako pag ikaw ay kapiling.
Ngunit di din ito sapat para ang sugat ay gumaling.
San nga kaya papunta itong ating nararamdaman?
Kung alam naman nating hanggang dun na lang.

–di ko mapigilan ang mga salita.
Kagigising ko lang yan na ang mga salitang gustong kumawala.
(time check 7:00am)

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.