…di ko na alam ang sasabihin
Ni sarili di ko na magawang isipin
Gusto ko lang ang mga magulong bagay ay mapag-usapan natin.
Dahil di ko na mahugot ang mga salita.
Dahil di ko na din naman kasi alam kung ano na ang balita.
. (tuldok) . (tuldok)
hanggang dito na lang ang tinta.
O tinta san na nga ba tayo napunta.
Palaboy-laboy na naman si Palaboy!
Puso nya’y di na alam ang tinutukoy
Kaya naman wala ng nagawa kundi magkuyakoy.
hindi ko na madugtungan
siguro hanggang dito na lang.
Isang gabi(kagabi hehe) nagtetext ako sa kwarto namin ng aking kapatid na bunso ng mapansin ko ang hugis puso na uka sa sahig. Naisip ko masyado akong serious sa pagtetext nakakatuwa na mapansin ko pa ng mga bagay na tulad nun. Kaya naman talagang natuwa ako at kinuhahan ko pa ng picture!hehehe.. Ngayon pa na talagang wala ako magawa dahil sa bakasyon na ibinigay ng aming komapanya. Oo bakasyon nga ang binigay sa amin ng kompanyang pinagtatrabahuhan namin. Kaya naman eto naglalakbay ang puso ko.. Napepressure na. I need to work! Ito ang sabi ko sa sarili. Mahirap kasi ang di pumapasok, ibig sabihin wala ding pera. hehehe…

