Jhunice

Setyembre 13, 2010

In the Middle of Nowhere

Filed under: buhay,down,God,magulo,palaboy,saan na? — Junice Lopez @ 6:36
Tags: ,

Minsan sa dami ng iniisip, sa dami ng pangyayari, marami kang mapapatunayan sa buhay. Tulad ng di ka naman talaga nag-iisa, malalaman mo kung san ka mapapalagay, at kung sino naman talaga ang mga taong para sa’yo o talagang kasama sa buhay mo.

Ako, ngayon, di ko talaga alam kung san ako. Tila si palaboy na lang ang takbuhan ko. Bakit ganoon bigla akong nawala at di ko alam kung saan muling magsisimula? Sabi ko pa noon, dati pag ganito ang nararamdaman ko, Sya lang ang tatakbuhan ko at magiging ok na ako. Ngunit dahil na rin siguro sa dami ng pagkukulang ko sa Kanya, nahihiya na ako. Gusto ko na maibalik ang dating ako.

Di ko na mapigilan ang panahon.
Patuloy ako nitong binabago.
Sana sa mabuti ito patungo.

Abril 20, 2010

Mga Kataga ni Nena

Filed under: ano ang laman?,buhay,paglalakbay,palaboy — Junice Lopez @ 6:36
Tags:

Sabi ni Nena:

Halos di ko na mahukay ang pagmamahal ko sa iyo ah. Di ko alam paano ito nabaon ng ganito kalalim.

Sana sa panaginip na lang kita nakilala para lagi tayo malaya. Magising man ako di ako mag-alala na may maaaring mawala sa akin, dahil sa panaginip lang naman tayo nagkikita.

Dodong di ka ba napapagod? Takbo ka ng takbo sa isip ko!

Di mo pa ba naririnig? Namamaos na puso ko sa kakasigaw ng pangalan mo!

I wish I could be every little thing you wanted! – (hehe napakanta na tuloy si nena)

Minsan katulad na din ako ni Palaboy, lito, di alam san pupunta at di alam kung san ang kabibilangan. Ngunit di nawawalan ng pag-asa sa paghahanap kung saan sya mapapabilang at tatanggapin bilang s’ya.

Mga tanong, tanong na uhaw sa mga kasagutan. Ganito ata talaga ang buhay.

Bawat paglalakbay may mga bagong katanungan at bawat katanungan may nakalaan na kasagutan. Nahuhuli nga lang siguro minsan pero sigurado sa pagpapatuloy maglakbay natin makikita ang mga ito.

Disyembre 22, 2009

Bolpen 2

Filed under: bolpen,palaboy — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , , ,

Isang bolpen ang aking natanggap na regalo ngayong araw na’to. Tila ayaw maputol ang pangungusap. Gusto pa nitong dugtungan kung ano man ang naisulat ko na. Isang reagalo na talaga namang na-touch ako! Nasasalat ko pa ang nakaukit dito! Salamat sa regalo. Di mo lang alam isa ito sa pinaka-da best na regalo na natanggap ko. Siguro nga kung iisipin ng iba napakababaw ko para magdalang tuwa ng sobra sobra sa isang bolpen lang. Pero yun ang nararamdaman ko. Di ko nga alam kung paano pa mailabas ang sobrang katuwaan! Eto nga di na magkamayaw sa pagsulat. Gusto ko pa dugtungan. Tila ayaw ng bitawan sa sobrang kasiyahan. Salamat, salamat sa regalo mo. Feeling ko tuloy ang ganda ng sulat ko.

Disyembre 16, 2009

si Palaboy

Filed under: palaboy — Junice Lopez @ 6:36
Tags:

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.