Jhunice

Hulyo 11, 2009

Bolpen

Filed under: buhay,God,Love,mundo,Pasulong,Thoughts — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , ,

Napansin ko ang ganda ng sulat ng bolpen na gamit ko, ngunit di kalaunan natuklasan ko din ang di magandang parte nito. kapag ito’y dbolpenahan-dahan, puno ng pag-iingat at pinag-iisipan ng mabuti ang sulat nito’y maganda’t maayos. Ngunit kung bara-bara at di iisipin ang maaring maging kalalabasan pinapahiwatig ng mga sulat na ito ang mga posibleng mangyari di kanais-nais sa bolpen na ito.

- Lahat ng bagay may sad part at minsan kailangan na tayong masanay rito. Ngunit di din nangangahulugan na dapat na tayong tumigil dito, hayaan nating na makita pa natin ang mga magagandang parte at leksyon na matututunan natin.

Hunyo 25, 2009

Single?

Minsan naiisip ko nakakamiss na talaga magkaron ng isang karelasyon, “bf”. Pero naiisip ko din na handa na kaya ako na umibig ulet? Kaya ko pa kaya isingit iyon sa sched ko?

Kanina sa jeep habang nagmumusic naisip ko siguro di pa talaga oras para magkaron ako ng ganun. Siguro di pa nga.. (hehe nainip?)

Naiisip siguro nya kaya ko pa naman mag-isa.. At alam ko naman na di ako nag-iisa. Kanina nga parang nag-uumapaw ang aking damdamin. Di ko naramdaman ang pangungulila..

Di naman talaga ako nag-iisa.. kasama ko si Bro sa paglalakbay ko.. ;-)

Sa kabila ng mga pangungulila di hinayaan ni Bro na magsara ang pinto ng aking puso, pinapanatili nya itong sariwa sa lamig man o init.

Ayun! :-D

Hunyo 10, 2009

All we need is Love^^,

Filed under: Love,mundo — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , ,

All we need is LOVEThere’s no place for pride..

All we need is Love^^,

–paki-play yung video cute nung nagi-guitar galing galing!! hehe

Hunyo 9, 2009

Dati..Ngayon..

Filed under: ano ka?,mundo,naaalala ko pa — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , ,

Naniniwala ako na ang bawat taong dumadating sa buahy natin ay may dalang kakaibang kakayahan para sila’y maging bahagi ng ating buhay. Kaya nga siguro totoo din yung “Nobody’s Perfect”, kasi kung meron nga perpektong tao na nasa kanya na ang lahat pano ka pa maaapektuhan ng ibang tao? ikaw sa tingin mo ano nga ba ang purpose mo?

Ako, dati sabi ko siguro ang purpose ko talaga ay makapagpangiti ng kapwa. Kahit na ako minsan ay napaka-negative na sa sarili. Hanggang sa nadevelop ko na kakayahan kong ito. Tumigil lang ito nung nag-college ako puro bagong kaklase, kaibigan at bagong kultura. Nahirapan ako mag-adjust. Nakalimutan ko na yung bagay na nagbigay inspirasyon sa akin para makapagpasaya ng kapwa. Dala siguro ito ng stress at pressure sa school(hehe dinamay pa yung school). Sa tingin ko di pa din naman ganun nawala ang aking layunin. Sa pagkakataon na naalala ko ito, unti-unti ko ding naalala ang mga ipinagkaloob sa akin ni God. Dami ko na pagkukulang pero di nya ako pinabayaan.

Ngayon ang aking Kaarawan napakasaya ko ngayong araw na icaketo. Mula sa paggising mga pagbating parang ulan na isa isang pumapatak.. hanggang sa puso ko’y unti unti ng namulaklak sa tuwa. simple man na mensahe na sadyang nakakatabna ng puso. Hanggang sa pag-uwi ko ng matanaw at masinagan ako ng paglubog ng araw, tila’y parang gusto ding bumati sa akin( haha pati yung araw napagdiskitahan). Hanggang ngayon iniisip ko pa din ano nga ba ang prupose ko? hehehe.. Siguro natural na na maisip ko ito pero siguro panahon na rin para itigil ko ang pagtatanong at ienjoy ang ipinagkaloob sa akin ni God, dito malamang malalaman ko na.

Masaya talaga ako ngayong araw na ito^^, thank God talaga for this sweet day^^,

Hunyo 6, 2009

ako. sila. tayo.

Naalala ko noong nasa high school ako, wala nakong papel at 1/4 sheet of paper na lang ang meron ako(ganun din ang aking kaibigan).. Wala na kaming mahingan non dahil wala na rin extrang papel ang mga kaklase namin non. Nag-umpisa ang guro ganun din kami. hanggang sa umabot na ng 30 ang number. then 40(yaikz! andame pala!) hanggang sa ibabaw ng pangalan ay nasulatan na. Buong akala namin ay ok na ang 1/4 sheet. Natawa na lang kami sa pinaggagawa namin nong strategy para magkasya lahat ng sagot sa papel. Pagtapos non nakalimutan ko na.. hehe lam ko lang ay di na namin ito ipinasa. Kung iisipin parang naisave din kami nong quiz(kuno) na yun dahil kung totoong quiz yon malamang napagalitan kami. (hehehe yon ang akala namin).

–naalala ko lang itong 1/4 sheet na toh dahil kay kuya jason yung 1/4 sheet of love nya. Kalokohan ko noon.

Adventure nga kung tawagin ko yung magpunta ka sa isang lugar na di naman pamilyar sa iyo. Isinama ako ng marketing Executive namin sa Makati Shangri-La nong kelan may mga isinubmit kaming documents. Na-amaze ako sa mga talaga namang nagtataasang mga building at parang wow etoh pala ang papasukin kong gusali pag naging big time na ako( libre lang naman mangarap diba). Inutusan ako pumunta sa Makati Shangri-La, gosh di ko naman nakabisado ang pagpunta don pero nakarating naman ako bute nga diko ako naligaw dahil kailangan ko agad maisubmit iyong dokumentong iyon.

First time kong makasakay sa MRT noong pumunta ako non sa Makati Shangri-La. hehe!! (June 1, 09)

Pangalawa ko makasakay non nung June 2, 09 hehe first time ko din pumunta ng Shaw Boulevard.

Naaadik ako ngayon sa panunuod ng Boys Over Flowers!! hehe.. Gu Jun Pyo is so cute!! hehe!! Ala Dao din sya sa ilang anggulo.. (Wafu!!)

boflee min ho

Ang cute cute talaga.

Sino kaya ang di maiiyak sa kwento ni Aya ng 1 litre of tears!? Parang pwede ding ihalintulad kay Morrie. Sinabi ni Morrie “Once you know how to die, you learn how to live”. Sobrang nakakainspire pareho ang kwento ng kanilang buhay.

twm

1 litre of tears

Abril 25, 2009

The 11th Hour

Filed under: mundo,Thoughts — Junice Lopez @ 6:36
Tags:

Let’s save the Earth..

- Huwag sana nating hayaan na maging sanhi tayo ng pagkawala o pagkaubos ng mga hayop, pati na din ang ating kalikasan, at higit sa lahat ng kapwa natin. Huwag sana tayong maging pabaya. Maging responsable tayo sa bawat ikinikilos natin. Kumilos na tayo ngayon. kahit mga simpleng bagay na magagawa natin ay gawin na natin para maisalba ang ating mundong ginagalawan sa lumalalang global warming. Nakakatakot man isipin na magiging ligtas pa kaya ang mga bata ngayon sa future? Paano na ang mga bagong panganak palang?Tayo lang din ang makakapagligtas sa ating mga sarili.

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.