Jhunice

Abril 4, 2010

Love Songs. . .

Filed under: kanta,Love — Junice Lopez @ 6:36
Tags:

just tell me you love me
whisper words i so long to hear
let this time not be borrowed
let it be ours to share
if you tell me you love me
it will lead the way to your heart
through the mereness of silence
you love me

Standin’ by my window
Listening for your call
Seems I really miss you after all
Time won’t let me keep
These sad thoughts to myself
I’d just like to let you know
I wish I didn’t let you go

–hehe wala lang.. masyado lang senti.. Pero ganda nitong mga songs. :)

Marso 25, 2010

Nakita Mo na ba si Haring Araw?

Filed under: biyahe,buhay,God,kanta,Love — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , , , , , , , ,

Kanina sa pagbiyahe ko..

Sa LRT ako nasasakay araw-araw. Minsan sa sobrang antok pa sa umaga di ko maiwasang di masilaw sa araw. Pero pag no choice na ako sa pwesto ko sa LRT dahil sa siksikan di katagalan nasasanay na mga mata ko (tulad na lang kanina). Parang akong binati ni haring araw sa pagkakasikat nya. Nakakatuwa nga kasi di ako makaisip ng motivation kanina, parang sa pagkakasikat ng araw naisip ko na new day at may bago pa’ko ulit na matutunan. Pagkadating ko sa office(whew! kala ko late ako, tingin ako agad sa orasan sa office e! hehe). Tapos diretso sa lamesa ko. Ni-check ang mga files na gagawin at dapat reviewhin. Mga isang oras makalipas. Dumating na si boss ayun na ang totoong gawain. Print dito. Record. Print. Record. Check sa hard copy at soft copy. Encode. Encode. Encode. Minsan di ko maiwasang mataranta! Lalo na pag si Boss na nag-uutos sa’kin! Natural nga siguro yun para sa isang baguhan. Nung unang araw ko halos maluha -luha ako sa pagkababad sa computer. Nitong week nasanay na ata. Hehehe. Gang sa naglunch time na di ko pa napansin. Tinawag na’ko nung kasamahan ko. Tapos e kwentuhan ng konti.. Natural ako ang naging kantsawan kasi di pa’ko masyado umiimik kasi naman bago pa lang nga ako. Ehehe! Saka na pag magaling na’ko sa trabaho ko. Nyahaha!! Natapos na ang break at tinuloy ang ginagawa. Maya-maya napatigil ako at nasabi ko sa katabi ko ” lumilindol”, “oo nga noh”, yan naman naging sagot nya. Matagal din ang paglindol na yun. At sa panahon ngayon nakakatakot na ang pagkakaroon ng lindol at iba bang kalamidad. Matapos lumindol balik trabaho ulit. 5pm na sa wakas! hehe. Pagod na din kasi ako. Pagkalabas ng office kasabay ng iba pang kasamahan. Kanya-kanyang kantsawan. Nang maghiwa-hiwalay na kami sakto nag-ear phone ako at nakikinig ng music para di antukin sa biyahe. Ang galing ng mga kanta! Nyahaha Emo na naman! moment sa bus! hehe. Pinangunahan ng kantang Somebody ng Depeche Mode. Nakakamiss naman un! hehehe May ganun! Napapangiti pa nga ako habang tumutugtog yun. Tapos sinundan pa ng linyang “there was something special in the air” ng kantang Reality. Talaga namang kakaiba ang araw na ito. Halo-halo nga kumbaga sa pagkain. Ang dami laman ng araw na ito. Pero masarap naman lasapin. Nakakalungkot isipin kung mag-isa ka lang na kumakain nito pero madadala ka na rin ng mga pangyayari. Sinundan pa ng isang linya “waiting for your call” ng kantang Your Call ng Secondhand Serenade. Tapos eto pa, “Then maybe its true, That I can’t live without you, Maybe two is better than one” ng Boys like Girls. At ng Makarating ako sa LRT  na sinasakyan ko din pauwi, nakita ko na naman si haring araw nagpapaalam at nagpapaalala na may bukas pa. Ang ganda talaga ng araw kanina. Kumpleto na ang moment! hehe. Pinanuod ko ito habang tumatakbo ang tren. Hanggang sa di ko na ito makita. Nangingiti na naman ako. Nakakatuwa lang kasi na binigyan pa ako ni God ng pagkakataon na makita ko ang magandang paglubog ni haring araw. At binigyan nya pa ako ng pagkakataon na makipaglaban at sumabay sa buhay. Ayun lang. :)

Oktubre 27, 2009

tuldok tuldok…

Filed under: Love,magulo,makinig ka,puso,Thoughts — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , , , , ,

…di ko na alam ang sasabihin
Ni sarili di ko na magawang isipin
Gusto ko lang ang mga magulong bagay ay mapag-usapan natin.

Dahil di ko na mahugot ang mga salita.
Dahil di ko na din naman kasi alam kung ano na ang balita.
. (tuldok) . (tuldok)
hanggang dito na lang ang tinta.
O tinta san na nga ba tayo napunta.

Palaboy-laboy na naman si Palaboy!
Puso nya’y di na alam ang tinutukoy
Kaya naman wala ng nagawa kundi magkuyakoy.

hindi ko na madugtungan
siguro hanggang dito na lang.

Setyembre 28, 2009

FB: A daw! hehehe

Filed under: facebook,Love,quiz,resulta,who loves you — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , ,

a nga daw

Nakakatawa naman ito.. First time kong magtake ng quiz sa facebook. who loves you quiz pa ang natyempuhang sagutin! hehehe.. ewan ko ba. At ayun nga! diko lam pano ba nagbibigay o nanghuhula ang computer o ang net o kung sino man ang gumawa nito, ng sagot. hihi mapapaisip ka pa nga minsan kung sino kaya yun!? hahaha.. at minsan naman “sya na kaya yun?” hahaha.. ayan sabi sa result A daw! hehehe..

A daw oh! hehehe.. natatawa talaga ako!

a ulet

Agosto 5, 2009

Way Back into Love

I’ve been living with a shadow over head
I’ve been sleeping with a cloud above my bed
I’ve been lonely for so long
Trapped in the past, I just can’t seem to move on

I’ve been hiding all my hopes and dreams away
Just incase I ever need them again someday
I’ve been setting aside time,to clear a little space in the corners of my mind

All I want to do is find a way back into love
I can’t make it through without a way back into love
ohhh

I’ve been watching but the stars refuse to shine
Ive been searching but I just dont see the signs
I know that its out there
There’s got to be something for my soul somewhere

I’ve been looking for someone to shed some light
Not just somebody to get me through the night
I could use some direction, and I’m open to your suggestions

All I want to do is find a way back into love
I can’t make it through without a way back into love
and If I open my heart again
I guess Im hoping you’ll be there for me in the end
Haley:
There are moments when I dont know if it’s real
or if anybody feels the way I feel
I need inspiration, not just another negotiation

All I want to do is find a way back into love
I can’t make it through without a way back into love
and If I open my heart to you
Im hoping you’ll show me what to do
and if you help me to start again
you know that I’ll be there for you in the end.

:-) :-)

Hulyo 25, 2009

Magulo..

Marupok na ang lubid
makapal man ito ngunit di na din kinaya.

Basag na ang timba.

Bingi na sa katahimikan.

Masayang nagpaalam.

Nakangiti ng lumuha.

Ubos na ang papel na sulatan.

Di na nakapagpaalam.

Nawawalan na ng tinta.

Mahirap umasa.

Mali pala.

Nakakabulag kasi.

Kaibigan ko salamat.
Di mapapantayan ang oras na tayo’y nagkasama.

Sabe nga sa kanta “these days aren’t easy anymore..”

Nag-uumapaw na sa isip.

Tulala.

Lahat ito’y nangyayari na at di na mapipigilan pa.

Sana wag kang bumitaw kaibigan.

Pagod na sa kalalakad, Gusto namang maupo.

Uhaw na uhaw.
Kahit ilang baso na ang aking inuming tubig di pa rin maibsan ang aking uhaw–dehydration

Sa mga labing nakangiti may mga luhang di maikubli.

Hulyo 14, 2009

Undying Love of God

Filed under: buhay,God,Love,Thoughts — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , , , ,

When I can hardly breathe,
He gave me air of Love
When it’s hot,
He gave me Wind
When I’m floating with worries
He let me feel the ground beneath my feet
When the people around me are pulling me down,
He let me see the world
When my world becomes empty
He gives me Friends
Thank you Lord for the undying love
Couldn’t ask for more

-one morning habang nakasakay sa jeep ng bigla kong naisip ang mga linyang ito na naging isa din sa motivation ko nung araw na yon. Thank God! :-D

Hulyo 11, 2009

Bolpen

Filed under: buhay,God,Love,mundo,Pasulong,Thoughts — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , ,

Napansin ko ang ganda ng sulat ng bolpen na gamit ko, ngunit di kalaunan natuklasan ko din ang di magandang parte nito. kapag ito’y dbolpenahan-dahan, puno ng pag-iingat at pinag-iisipan ng mabuti ang sulat nito’y maganda’t maayos. Ngunit kung bara-bara at di iisipin ang maaring maging kalalabasan pinapahiwatig ng mga sulat na ito ang mga posibleng mangyari di kanais-nais sa bolpen na ito.

- Lahat ng bagay may sad part at minsan kailangan na tayong masanay rito. Ngunit di din nangangahulugan na dapat na tayong tumigil dito, hayaan nating na makita pa natin ang mga magagandang parte at leksyon na matututunan natin.

Hunyo 25, 2009

Single?

Minsan naiisip ko nakakamiss na talaga magkaron ng isang karelasyon, “bf”. Pero naiisip ko din na handa na kaya ako na umibig ulet? Kaya ko pa kaya isingit iyon sa sched ko?

Kanina sa jeep habang nagmumusic naisip ko siguro di pa talaga oras para magkaron ako ng ganun. Siguro di pa nga.. (hehe nainip?)

Naiisip siguro nya kaya ko pa naman mag-isa.. At alam ko naman na di ako nag-iisa. Kanina nga parang nag-uumapaw ang aking damdamin. Di ko naramdaman ang pangungulila..

Di naman talaga ako nag-iisa.. kasama ko si Bro sa paglalakbay ko.. ;-)

Sa kabila ng mga pangungulila di hinayaan ni Bro na magsara ang pinto ng aking puso, pinapanatili nya itong sariwa sa lamig man o init.

Ayun! :-D

Hunyo 21, 2009

Para sa aking Ama..

Filed under: Ama,Love,naaalala ko pa — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , , , ,

Kanina sa simbahan binasbasan ang mga tatay dahil na rin sa okasyon ngayon na father’s day, bigla namin naisip si Papa. Nakakamiss na din kasi. Sana andito sya lalo na sa okasyong ganito. Si papa kasi yung tipong di agad nae-express ang nararamdaman kaya minsan natutuwa kami na isurpresa sya, tulad ng pagbigay ng cake. At pagpapahayag ng konting mensahe para sa kanya. Di nya iyon ma-carry.. haha.. nakakatawa si papa pag ganon. Naalala ko pa nga nung kaarawan nya na nandito sya nung binuksan na namin ang cake nya biglang sinabi bibili pa daw sya pagkain ng ibon. hehe(umalis, di na-carry) pagbalik nya dala-dala ang pagkain ng ibon, binuksan na namin ang kandila at kinantahan namin sya ng happy birthday. Ayun ang kulet ng birthday nya.. hehe sumayaw sayaw pa nga sya habang kumakanta kami non. hehe..

Para sa papa ko na masasabi kong isa ding dakilang ama. Happy Father’s day sa’yo papa! We always Love you! Thank you for everything! Thank you for keeping our family happy^^,

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.