Jhunice

Enero 23, 2010

Aplikante

Filed under: buhay,down,job hunting,kaibigan,magulo,Pasulong — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , , ,

Minsan may nakausap ako, nasambit nya ang mga salitang ito,

::Ang hirap maging aplikante no?
sinagot ko lang s’ya ng pagtungo.

Di ko kasi alam kung ano ang isasagot ko nun. Pareho kasi kami nararamdaman. Nakarami na ng buntong hininga. Ayun ang buhay ay buhay pa din. Nakakapressure lalo na pag inaasahan ka ng iyong mga magulang, lalo na pag iisipin pang di na sila bata, balang araw gusto naman nila mamahinga at maranasang guminhawa, at bilang anak syempre gusto ko din yun. Gusto ko nga ibigay sa kanila ang ganung buhay sa lalong madaling panahon. Gusto ko na ako naman ang magsilbi sa kanila.

Ito lang naman ang mga bagay na nagpapalakas ng loob ko sa muli kong pag-aapply. Minsan nakakapanghina ng loob. Super down na ang feeling ko. Wala masabihan dahil ayoko sila bigyan pa ng ikakabahala. Hayy buhay, yan ang mga naisasambit ko sa bawat araw na lumilipas. Nag-iintay ng tawag.

Naalala ko pa, sabe ko sa aking kaibigan
::wag ka ngang nega! Mag-intay ka lang at tatawag din yan.

Makalipas ang ilang araw.. sabi nya sakin.
:: Tignan mo ikaw, sinsabi mo sakin mag-intay ako tapos kaw naman ngayon ang nega.

Sa isip isip ko, oo nga noh. Masyado lang ako nag-iisip.

Sabe ko pa nun sa kaibigan ko pagkatapos ng exam sa isang bangko,,
::Lam mo ba nagkukwentuhan nga ung dalawang katabi ko pagkatapos ng exam, habang ako naman di makapagsalita. Kabado kasi ako baka di ako pumasa. Tsaka nakikinig lang ako. Tahimik lang ako kasi nagdadasal ako!!

Sabay tawa naman ng aking kaibigan. “Ayos!” Yan ang naisambit nya!

Sabe pa sakin,
::Ano ka ba, ganun talaga may pressure pero ok lang yan at least may ginagawa ka no.

Sa isip isip ko ulet. Oo nga may ginagawa nga ako sana naman magbunga na..huhu.. (hehe talagang may ganun).

Ilang araw makalipas, tinawagan na ang aing kaibigan. Tuwang-tuwa at ipinaalam agad sakin. Sabe nya,,
::Jhun, sabay na tayo uuwi. (hehe sabay kasi kmi nag-apply sa pareho lugar)

Sa isip ko, sarap naman pakinggan non. Parang totoo na! (Pero sa totoo di pa namin sure ang application namin).

Tamang bolahan lang kami nung kaibigan ko. Nagpapakapositibo. Nagpapalakas ng loob. Saluhan sa kanya-kanyang kanegatibuhan sa sarili.

Di ako susuko! Yan ang dapat kong buhayin ulit sa sarili ko. Nakakawala kasi ng lakas ng loob minsan. Pero un nga di ako susuko!

Oktubre 5, 2009

My Vote

Filed under: kaibigan,pangarap — Junice Lopez @ 6:36
Tags: ,

My Vote for the 2009 Bloggers’ Choice Award (National):

I vote for  LIBRE LANG MANGARAP
Bloggers’ Choice Award
2009 Philippine Blog Awards

bakit nga ba s’ya ang napili ko?

-Kasi matagal ko na syang kilala..

-at lam ko matagal na na may talento talaga sya pagdating sa pagsulat.

-inggit nga ako sakanya.. hehe

-marami syang alam na salita, na di ko lam minsan kung paano sabihin.

-hanga ako sakanya.

-intsek sya.. hehe anong konek?

-makulet, ,maingay at mabait. hehe

-talaga naman nakakatuwa ang mga post..

-emo lang minsan talaga.

-may sense of humor..

-kaibigan ko sya.

bumoto na at sumabay ng mangarap!

click mo toh

Setyembre 7, 2009

Palaboy

Iyan si palaboy di alam kung san ang kabibilangan. Di nya lam kung san pupunta. Di na lam kung ano ang iisipin.

etoh si palaboy…

Pakalat-kalat sa tabi
[di alam san pupunta]
Minsan nakikisali
Di kilala ang sarili
Di alam ang usapin
Kaya naman mga salita’y nakabinbin
Di alam kung s’ya ay tatanggapin
Isang bagay na dapat di n’ya isipin.

San nga ba ang kabibilangan ni palaboy.

Hulyo 25, 2009

Magulo..

Marupok na ang lubid
makapal man ito ngunit di na din kinaya.

Basag na ang timba.

Bingi na sa katahimikan.

Masayang nagpaalam.

Nakangiti ng lumuha.

Ubos na ang papel na sulatan.

Di na nakapagpaalam.

Nawawalan na ng tinta.

Mahirap umasa.

Mali pala.

Nakakabulag kasi.

Kaibigan ko salamat.
Di mapapantayan ang oras na tayo’y nagkasama.

Sabe nga sa kanta “these days aren’t easy anymore..”

Nag-uumapaw na sa isip.

Tulala.

Lahat ito’y nangyayari na at di na mapipigilan pa.

Sana wag kang bumitaw kaibigan.

Pagod na sa kalalakad, Gusto namang maupo.

Uhaw na uhaw.
Kahit ilang baso na ang aking inuming tubig di pa rin maibsan ang aking uhaw–dehydration

Sa mga labing nakangiti may mga luhang di maikubli.

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.