Minsan may nakausap ako, nasambit nya ang mga salitang ito,
::Ang hirap maging aplikante no?
sinagot ko lang s’ya ng pagtungo.
Di ko kasi alam kung ano ang isasagot ko nun. Pareho kasi kami nararamdaman. Nakarami na ng buntong hininga. Ayun ang buhay ay buhay pa din. Nakakapressure lalo na pag inaasahan ka ng iyong mga magulang, lalo na pag iisipin pang di na sila bata, balang araw gusto naman nila mamahinga at maranasang guminhawa, at bilang anak syempre gusto ko din yun. Gusto ko nga ibigay sa kanila ang ganung buhay sa lalong madaling panahon. Gusto ko na ako naman ang magsilbi sa kanila.
Ito lang naman ang mga bagay na nagpapalakas ng loob ko sa muli kong pag-aapply. Minsan nakakapanghina ng loob. Super down na ang feeling ko. Wala masabihan dahil ayoko sila bigyan pa ng ikakabahala. Hayy buhay, yan ang mga naisasambit ko sa bawat araw na lumilipas. Nag-iintay ng tawag.
Naalala ko pa, sabe ko sa aking kaibigan
::wag ka ngang nega! Mag-intay ka lang at tatawag din yan.
Makalipas ang ilang araw.. sabi nya sakin.
:: Tignan mo ikaw, sinsabi mo sakin mag-intay ako tapos kaw naman ngayon ang nega.
Sa isip isip ko, oo nga noh. Masyado lang ako nag-iisip.
Sabe ko pa nun sa kaibigan ko pagkatapos ng exam sa isang bangko,,
::Lam mo ba nagkukwentuhan nga ung dalawang katabi ko pagkatapos ng exam, habang ako naman di makapagsalita. Kabado kasi ako baka di ako pumasa. Tsaka nakikinig lang ako. Tahimik lang ako kasi nagdadasal ako!!
Sabay tawa naman ng aking kaibigan. “Ayos!” Yan ang naisambit nya!
Sabe pa sakin,
::Ano ka ba, ganun talaga may pressure pero ok lang yan at least may ginagawa ka no.
Sa isip isip ko ulet. Oo nga may ginagawa nga ako sana naman magbunga na..huhu.. (hehe talagang may ganun).
Ilang araw makalipas, tinawagan na ang aing kaibigan. Tuwang-tuwa at ipinaalam agad sakin. Sabe nya,,
::Jhun, sabay na tayo uuwi. (hehe sabay kasi kmi nag-apply sa pareho lugar)
Sa isip ko, sarap naman pakinggan non. Parang totoo na! (Pero sa totoo di pa namin sure ang application namin).
Tamang bolahan lang kami nung kaibigan ko. Nagpapakapositibo. Nagpapalakas ng loob. Saluhan sa kanya-kanyang kanegatibuhan sa sarili.
Di ako susuko! Yan ang dapat kong buhayin ulit sa sarili ko. Nakakawala kasi ng lakas ng loob minsan. Pero un nga di ako susuko!


