Jhunice

Disyembre 4, 2009

nakakabanas..

Filed under: ano ang laman?,ano ka?,buhay,down,magulo,nakakainis — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , , ,

Ano nga ba ang salitang ito? Nakakainis daw sabi nila..

Sino ba naman ang di mababanas may nagsasabi o nagiisyu sa’yo ng di naman totoo o wala man lang alam sa ginagawa mo.. Tama ba naman na komentohan ka ng masama kung palage naman syang wala. Head nga sya pero wala namang alam sa ginagawa ng mga tao nya.. Ni-hindi nya nga alam kung ano na ang pinagdadaanan.. Magsubmit ka man ng report di naman din nababasa! Sino ba naman ang gaganahan! Super ang pagbato ng pressure sa’yo pero bato lang naman sila ng bato! Wala namang suporta! Nakakabanas!! Nakakabanas!! Hayzt! Ayoko sana mainis e kaso sobra na talaga sya! Di bale kung na-orient nya ako non nung nag-umpisa ako.. Di bale kung kahit isa sa mga account na hawak ko e natulungan nya ako! E hindi naman puro lang sya salita! Wala namang gawa! Dadating sya ng office para lang kamustahin ang inutos nya sa’yo na di mo naman na dapat pa gawin dahil nagawan mo na sya dati non. yun lang wala ka magawa. Bat kasi ang plastik nya! Pagkatapos nyang magsalita sa ibang tao ng isyu tungkol sa’yo, ngiti at pangangamusta sa inutos nya ang iganti sa’yo. Mapagpanggap pang alam nya ang lahat pag kaharap na namin ang totoong boss!! Ano ba naman yun! hayy…

Pagpasensyahan nyo na.. Kailangan ko lang ilabas ito…

Setyembre 26, 2009

halo-halo

Filed under: ano ka?,buhay,down,jeep,makinig ka,saan na?,Thoughts — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , ,

Nalulungkot lang ako para sa sarili ko.
Di naman ako magsasabi o makikipagtalo kung sa bandang huli ako din ang talo.
Ngayon nakita ko ang sarili nasa jeep bumabyahe mag-isa. Nagtataka bakit ako ang nag-iisang pasahero.
Ngitian ang mga bagay na wala naman akong magagawa pa. (etoh ang hobby ko)

Di ko inaasahan na ang bawat taong nakakasama ko ay maiintindihan ako.

Minsan gusto ko ng iwan ang ofis, kasama ang mga kakabit nito.

Ayoko ng mag-isip ng mga bagay na nakakapagod isipin.
Di kasi magkamayaw ang mga salita.
Nagkakabuhul-buhol na nga.

Isang takot na babae nagtimpla ng matapang na kape.

You cannot push it if it is to  pull

You cannot drop it if there’s no gravity

Agosto 30, 2009

saan na papunta?

Filed under: ano ka?,buhay,magulo,saan na? — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , , , ,

Bumaba na ang kulay ng aking buhok,
kasabay din kaya nito ang paggising ko?
Nalulong na kasi ako.
Parang isang droga na di ko na mapigilang gamitin.
May nagsasambit wag ko na to isipin.
Ngunit paano naman ang aking damdamin?
Masaya ako pag ikaw ay kapiling.
Ngunit di din ito sapat para ang sugat ay gumaling.
San nga kaya papunta itong ating nararamdaman?
Kung alam naman nating hanggang dun na lang.

–di ko mapigilan ang mga salita.
Kagigising ko lang yan na ang mga salitang gustong kumawala.
(time check 7:00am)

Hulyo 25, 2009

Magulo..

Marupok na ang lubid
makapal man ito ngunit di na din kinaya.

Basag na ang timba.

Bingi na sa katahimikan.

Masayang nagpaalam.

Nakangiti ng lumuha.

Ubos na ang papel na sulatan.

Di na nakapagpaalam.

Nawawalan na ng tinta.

Mahirap umasa.

Mali pala.

Nakakabulag kasi.

Kaibigan ko salamat.
Di mapapantayan ang oras na tayo’y nagkasama.

Sabe nga sa kanta “these days aren’t easy anymore..”

Nag-uumapaw na sa isip.

Tulala.

Lahat ito’y nangyayari na at di na mapipigilan pa.

Sana wag kang bumitaw kaibigan.

Pagod na sa kalalakad, Gusto namang maupo.

Uhaw na uhaw.
Kahit ilang baso na ang aking inuming tubig di pa rin maibsan ang aking uhaw–dehydration

Sa mga labing nakangiti may mga luhang di maikubli.

Hunyo 9, 2009

Dati..Ngayon..

Filed under: ano ka?,mundo,naaalala ko pa — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , ,

Naniniwala ako na ang bawat taong dumadating sa buahy natin ay may dalang kakaibang kakayahan para sila’y maging bahagi ng ating buhay. Kaya nga siguro totoo din yung “Nobody’s Perfect”, kasi kung meron nga perpektong tao na nasa kanya na ang lahat pano ka pa maaapektuhan ng ibang tao? ikaw sa tingin mo ano nga ba ang purpose mo?

Ako, dati sabi ko siguro ang purpose ko talaga ay makapagpangiti ng kapwa. Kahit na ako minsan ay napaka-negative na sa sarili. Hanggang sa nadevelop ko na kakayahan kong ito. Tumigil lang ito nung nag-college ako puro bagong kaklase, kaibigan at bagong kultura. Nahirapan ako mag-adjust. Nakalimutan ko na yung bagay na nagbigay inspirasyon sa akin para makapagpasaya ng kapwa. Dala siguro ito ng stress at pressure sa school(hehe dinamay pa yung school). Sa tingin ko di pa din naman ganun nawala ang aking layunin. Sa pagkakataon na naalala ko ito, unti-unti ko ding naalala ang mga ipinagkaloob sa akin ni God. Dami ko na pagkukulang pero di nya ako pinabayaan.

Ngayon ang aking Kaarawan napakasaya ko ngayong araw na icaketo. Mula sa paggising mga pagbating parang ulan na isa isang pumapatak.. hanggang sa puso ko’y unti unti ng namulaklak sa tuwa. simple man na mensahe na sadyang nakakatabna ng puso. Hanggang sa pag-uwi ko ng matanaw at masinagan ako ng paglubog ng araw, tila’y parang gusto ding bumati sa akin( haha pati yung araw napagdiskitahan). Hanggang ngayon iniisip ko pa din ano nga ba ang prupose ko? hehehe.. Siguro natural na na maisip ko ito pero siguro panahon na rin para itigil ko ang pagtatanong at ienjoy ang ipinagkaloob sa akin ni God, dito malamang malalaman ko na.

Masaya talaga ako ngayong araw na ito^^, thank God talaga for this sweet day^^,

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.