Kanina sa simbahan binasbasan ang mga tatay dahil na rin sa okasyon ngayon na father’s day, bigla namin naisip si Papa. Nakakamiss na din kasi. Sana andito sya lalo na sa okasyong ganito. Si papa kasi yung tipong di agad nae-express ang nararamdaman kaya minsan natutuwa kami na isurpresa sya, tulad ng pagbigay ng cake. At pagpapahayag ng konting mensahe para sa kanya. Di nya iyon ma-carry.. haha.. nakakatawa si papa pag ganon. Naalala ko pa nga nung kaarawan nya na nandito sya nung binuksan na namin ang cake nya biglang sinabi bibili pa daw sya pagkain ng ibon. hehe(umalis, di na-carry) pagbalik nya dala-dala ang pagkain ng ibon, binuksan na namin ang kandila at kinantahan namin sya ng happy birthday. Ayun ang kulet ng birthday nya.. hehe sumayaw sayaw pa nga sya habang kumakanta kami non. hehe..
Para sa papa ko na masasabi kong isa ding dakilang ama. Happy Father’s day sa’yo papa! We always Love you! Thank you for everything! Thank you for keeping our family happy^^,


