Friday.
GM agad. Thank God it’s Friday!
Sunday Morning. Stressed na sa pwedeng mangyari sa Monday. Di ko alam kung paano magiging ang dating ng mga sasabihin ko sa boss ko kapag sinabi ko ang mga concern ko. Medyo nakakastress isipin lalo na sa dami ng iniisip nila, minsan ikaw ang napapagalitan kahit na hindi naman ikaw o wala naman dapat ikagalit. Kagabi grabe dala siguro ng pag-iisip, napanaginipan ko pa ang aking boss. Dissapointed! aw! Lalo lang nakakastress.. Pagkagising ko, naligo, nagbihis at diretso sa simbahan. Lutang pa din ang isip ko gang sa simbahan. Nung sinabi ni Father Joseph na ipagpasa- Diyos ang problema, aba! para akong tinamaan at nagising gising ako dun! Ayun lang ang tangi kong natandaan sa mga sinabi nya. Naisip ko tuloy dati kapag nagkakaproblema ako, umaakyat ako sa taas namin at pinakikiramdaman ang ihip ng hangin at tinitignan ang pagsayaw ng puno na niyog. Nasasambit ko na lang, hayy salamat. Kahit papaano sa Kanya nararamdaman ko na payapa ang isip ko at nagkaroon ako ng pagkakataon na ipahinga ang aking isip. Salamat sa pagpapaalala Father.



ako din jhunice sa dami ng dala kong problema pinaubaya ko na ang iba sa Kanya…
Comment ni Joyo — Marso 27, 2011 @ 6:36 |
ate joy!! waahh.. ngayon lang ako nakabalik sa blog ko. ou te sa kanya ko na din paubaya.. anghirap pag dinala mo lahat sau.. hehehe kalerkey
Comment ni Junice Lopez — Hulyo 31, 2011 @ 6:36 |