Biyernes.
Nkatanggap ng liham ang boss ko. Laman nito a isang problema na sa akin pinareresolba.
Sabado.
Nag-OT ako para maumpisahan ko na ang pagreresolba. Encode. Encode. Encode.Encode. Encode. Encode. Encode. Encode. At marami pang encode. Natapos ko na ang isang buwan. at may dalawang buwan pa. Inuwi ko ang trabaho.
Linggo.
Pagkatapos magsimba. natulog muna ako. Naramdaman ko kais yung pagod. Pagkagising Inumpisahan ko na ang pangalawang buwan. Pati na rin ang pangatlo yun nga lang di ko pa natapos.
Lunes.
Pagkadating ko sa opis. Tinuloy ko ang pag-eencode hanggang sa nakita na ako ng boss ko. tanong nya, natapos mo? Di pa po isang buwan na lang po, sagot ko. Maya-maya pa. Bigla nag-init ang ulo. ang dami ng tinanong sakin. Gang anong oras ba kayo dito bat di nyo natapos yan? Dapat ngayon yan isa-submit e. Ala! ang alam ko binigyan kami ng limang araw na palugit. pang-unang araw pa lang. at malapit na naman matapos. Natural di ako makasagot. Sino ba naman ako.
Martes.
Nagawa mo ba yung 4th qtr? tanong nya. Di pa po, sagot ko. I-prepare mo na din yun. Ang alam ko lang kasi hinahabol lang namin e yung 1st qtr. Ginawa ko na.. Encode ulit. Diko natapos. Pinilit ko na tapusin pero sobrang dami lang talaga.
Miyerkules.
Para ng may batong nakapatong sa ulo ko. Matatapos mo ba yan? tanong nya. Opo kaya po matapos ngayon, sabi ko. Ansakit na sa ulo nito. Dami ko na pending.
Huwebes.
Nagawa ko iba ko pa dapat gawin. Naupdate ko na yung ibang dapat ma-update. Konti na lang sabi ko malilinis ko na din ang mesa ko.
Biyernes.
Ansakit na talaga ng ulo ko. Pagpasok ko walang boss. Pero sa dami ng gawain parang nandun pa din sila. Pero mas maganda kasi wala pinapasingit na gawain.
Bukas ay Sabado, inuwi ko na ang ibang gawain para matapos ko na. At konti na lang ang gagawin ko sa Lunes. Hayyy.. whatta week! ganito pala pag unang buwan andami gawain! Windang!



unang buwan sa work o unang buwan ng taon? hehe, eto nadaan na. alam bang boss mo ito? igay ko link mo hahaha.
Comment ni yiN — Enero 29, 2011 @ 6:36 |
unang buwan ng taon po.. hehehehe!!! patay! x.x
Comment ni Junice Lopez — Enero 29, 2011 @ 6:36 |
langyang keyboard pala ito, ginawa akong tungaw, mali-mali pala wrong spelling ko. hehe.
Comment ni yiN — Enero 29, 2011 @ 6:36 |
hehehhehe!!
Comment ni Junice Lopez — Enero 29, 2011 @ 6:36 |
overloaded ka ah! pahinga ka naman. health is wealth.
Comment ni blurosebluguy — Enero 29, 2011 @ 6:36 |
opo kuya blue.. overload talaga ako nun… hayyzz… at ngaun.. di pa din tapos ang aking kalbaryo.. hehehe
Comment ni Junice Lopez — Pebrero 27, 2011 @ 6:36 |
Waaa nakakasakit tlga… naalala ko mga araw ko dati na super ngarag din ako sa trabaho.
Comment ni Dorm Boy — Pebrero 21, 2011 @ 6:36 |
ou… sana tulungan..
Comment ni Junice Lopez — Pebrero 27, 2011 @ 6:36 |