“Life is like a rail of train”
Isang araw, maaga akong nakasakay ng LRT, sa bandang harapan ako ng train nasakay. Kung saan nakita ko ang riles na dinadaanan ng tren na aking sinakyan. Natuwa ako ng makita ko ito. Pasulong. Puro pasulong ang takbo nito. Sa sobrang tuwa ko. sinubukan ko tignan ang aking likod sa pagaakala na makikita ang dinaanan namin, ngunit ang nakita ko na lang e yung mga taong kasama ko sa tren na yun pati na rin yung sa kadugtong na nito. Naisip ko, minsan di mo naman kailangan lumingon kundiĀ patuloy na sumulong. at yung mga tao na kasama mo at parte talaga ng buhay mo andyan lang sila dahil pinili nila na makasama ka.
Pasulong ako!



beys! hehe
naku jhunice, ang mahirap sa lrt, wala itong likuran at harapan kaya pasulong lagi ang takbo nito. paikot ikot lang sya. sana ganun din ang buhay…walang looking back.hehe
Comment ni tacio — Oktubre 8, 2010 @ 6:36 |
hehe.. minsan sana walang looking back pero syempre ganun nga ang buhay.. mapapalingon at mapapalingon ka pa rin..
salamat tacio
Comment ni Junice Lopez — Oktubre 9, 2010 @ 6:36 |
Hindi rin maganda na palagi ka nlang tumingin sa harapan mo… Paminsa-minsan e try mo nmang lumingon ng kahit isa lng… Para malaman mo naman kung gaano na kataas ang nilakaran mo… Dahil baka magsisisi ka nlng dahil malayo na ang binagsakan mo….
Nakikiraan lng sa blog mo…
Comment ni Frankie — Nobyembre 14, 2010 @ 6:36 |
agree din ako dyan kuya frankie!
lumilingon din naman ako..
ang hirap kayang di balikan at di mabalikan ang lahat..
nasa huli nga ang pagsisisi ika nga…
salamat po..
Comment ni Junice Lopez — Nobyembre 14, 2010 @ 6:36 |