“There’s a rainbow always after the rain”
–Minsan sa sobrang pagkalugmok mo nandyan yung mararamdaman mong nag-iisa ka at wala ng matatakbuhan.
Isang gabi umuwi ako, ang bigat ng pakiramdam ko, halo-halo na pressure at pagkalungkot. Kaliwa’t kanan ang tirada sa akin. Umakyat ako ng kwarto at dun ko inilabas lahat ng lungkot na nararamdaman ko. Walang tigil ang pagpatak ng luha ko. Sa tagal ko sigurong di naiyak, ayun parang ayaw na nitong huminto. Basang-basa na ang unan ko. Ilang sandali pa’y nararamdaman ko na kahit pano gumagaan na ang aking pakiramdam. Para bang inuubos nito ang kalungkutan sa aking katawan. Narinig ko ang tunog ng pinto, dumating na si mama, nakita ko tinitignan nya ako na para bang ineeksamin ang mukha ko. Tanong nya, “umiyak ka ba?”, sabi ko naman, “hindi nakatulog lang ako kanina pagdating ko”. Sabay yaya n’ya sa akin para kumain. (di pa din kasi ako kumakain non). Oras na para matulog. Kinabukasan. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Ang ganda ganda ng salubong ng araw sa akin. Wala naman masyadong nangyari ng sumunod na araw pero masasabi ko na ok na ako..
Ganun siguro talaga yun. Yun siguro talaga purpose ng pagluha ko. Kaya N’ya siguro ginawa ang luha. Para pagkatapos nito mahaharap mo ulit ang bukas.



The dampness in my eyes tells me I am alive. Hello hello! hindi ko alam kung pers taym ko dito pero nagustuhan ko ang tambay mode ko dito. =)
Comment ni salbehe — Setyembre 20, 2010 @ 6:36 |
hehe salamat salbehe.. buti naman nagawi ka dito..
tambay ka ulit ha…
salamat!
May tama ka sa sinabi mong yan..
Comment ni Junice Lopez — Setyembre 20, 2010 @ 6:36 |
tama!
Comment ni goyo — Setyembre 20, 2010 @ 6:36 |
hi goyo! salamat sa muling pagbisita
Comment ni Junice Lopez — Setyembre 20, 2010 @ 6:36 |
oo nga.sabi ng isang psychologist, mabisang gamot daw ng sakit ng damdamin ang pagluha.
Comment ni Pilosopo Tacio — Setyembre 22, 2010 @ 6:36 |
buti pala talaga naiyak ko na nung gabing un.. hehehe!
thanks po..
Comment ni Junice Lopez — Setyembre 25, 2010 @ 6:36 |
ganun talaga. iiyak mo lang lahat para gumaan pakiramdam mo. essential talaga na ilabas yan
dito lang kami
Comment ni jason — Oktubre 4, 2010 @ 6:36 |