Jhunice

Setyembre 19, 2010

Martes ng Gabi..

Filed under: Pasulong — Junice Lopez @ 6:36
Tags: , , ,

“There’s a rainbow always after the rain”

–Minsan sa sobrang pagkalugmok mo nandyan yung mararamdaman mong nag-iisa ka at wala ng matatakbuhan.

Isang gabi umuwi ako, ang bigat ng pakiramdam ko, halo-halo na pressure at pagkalungkot. Kaliwa’t kanan ang tirada sa akin. Umakyat ako ng kwarto at dun ko inilabas lahat ng lungkot na nararamdaman ko. Walang tigil ang pagpatak ng luha ko. Sa tagal ko sigurong di naiyak, ayun parang ayaw na nitong huminto. Basang-basa na ang unan ko. Ilang sandali pa’y nararamdaman ko na kahit pano gumagaan na ang aking pakiramdam. Para bang inuubos nito ang kalungkutan sa aking katawan. Narinig ko ang tunog ng pinto, dumating na si mama, nakita ko tinitignan nya ako na para bang ineeksamin ang mukha ko. Tanong nya, “umiyak ka ba?”, sabi ko naman, “hindi nakatulog lang ako kanina pagdating ko”. Sabay yaya n’ya sa akin para kumain. (di pa din kasi ako kumakain non). Oras na para matulog. Kinabukasan. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Ang ganda ganda ng salubong ng araw sa akin. Wala naman masyadong nangyari ng sumunod na araw pero masasabi ko na ok na ako..

Ganun siguro talaga yun. Yun siguro talaga purpose ng pagluha ko. Kaya N’ya siguro ginawa ang luha. Para pagkatapos nito mahaharap mo ulit ang bukas.

Setyembre 13, 2010

In the Middle of Nowhere

Filed under: buhay,down,God,magulo,palaboy,saan na? — Junice Lopez @ 6:36
Tags: ,

Minsan sa dami ng iniisip, sa dami ng pangyayari, marami kang mapapatunayan sa buhay. Tulad ng di ka naman talaga nag-iisa, malalaman mo kung san ka mapapalagay, at kung sino naman talaga ang mga taong para sa’yo o talagang kasama sa buhay mo.

Ako, ngayon, di ko talaga alam kung san ako. Tila si palaboy na lang ang takbuhan ko. Bakit ganoon bigla akong nawala at di ko alam kung saan muling magsisimula? Sabi ko pa noon, dati pag ganito ang nararamdaman ko, Sya lang ang tatakbuhan ko at magiging ok na ako. Ngunit dahil na rin siguro sa dami ng pagkukulang ko sa Kanya, nahihiya na ako. Gusto ko na maibalik ang dating ako.

Di ko na mapigilan ang panahon.
Patuloy ako nitong binabago.
Sana sa mabuti ito patungo.

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.