“Kuya mabubuhay si Santino maniwala ka!”, sabi ko sa kuya kuyahan ko sa text.
“Bakit ba masyado ka apektado? Hehe”, reply nya.
Natawa talaga ako sa reply nyang un. Masyado na kasi akong na-hook sa istorya ng May Bukas Pa. Hindi ko na nireplyan si kuya nun. Maya-maya nagtext s’ya, “Galing ah”. Napaka-ganda ng hatid na mensahe ng palabas na yun. Napaka-swerte natin at naging normal na tao tayo. Di tayo naging tulad ng buhay ni Santino na sa murang edad pinaghahabol sya ng mga tao para sa himalang pwede nyang magawa. Nasabi din dito na, hindi si Bro ang gumagawa ng ating buhay. Tayo ang pumipili kung ano ang landas na pipiliin natin. Ibinigay sa’tin ni Bro ang buhay para pagyamanin ito. Nakakaispire talaga itong palabas na ito. Nakakatulong ito sa mga tao para maalala nila si Bro sa kabila ng kanilang napaka-busyng buhay. Marami na kasing mapanlilang na bagay ngayon na dumadating sa punto na nakakalimot na tayo. Sinabi din ni Bro kay Santino na tapos na ang kanyang misyon at panahon na para tumayo sa sarili nilang paa ang mga taga-Bagong Pag-asa. Ito ay di lamang simpleng pahayag na para mapaganda ang palabas ito rin ay mensahe para sa lahat ng nanunuod. Para sa’kin nakatulong talaga ang palabas na ito para maisabuhay muli ang koneksyon o relasyon natin kay Bro.
Thanks Bro!



o plastik.. Ganito ko lang dalin ang problema.. Meron pa nga akong narinig, di daw kami napepressure sa work namin. Sabi ko naman kanya- kanya lang yan ng pagdala. Di lang halata minsan na stressed na ako. Sabi nga ng isa kong kasamahan sa trabaho “Junice! namomroblema ka ba?? buti nakakangiti ka pa..” lalo lang ako nangiti sa sinabi nya. Sa isip isip ko, stressed na nga ako sa trabaho sisibangutan ko pa ba ito!? hehe.. Sabi nga ni Boss “Think Positive!” hahaha akalain mu yun may tumatak sa isip ko! haha!!(sarcastic).

